me, myself and i ♥





1. Certified Korni! daw ako. Well, ewan ko ba? Yung mga close friends ko madalas yan sabihin. Frustrated comedian ata ako, kahit na anong pagpapatawa ko hindi sila natatawa. Hahaha.=)

2. Super Babaw ng Kaligayahan. Siguro ngang sadyang taga-tawa lang ako. Kahit na hindi nila intension magpatawa, ewan ko ba, natatawa ako. Bakit kaya? Hahaha. Madalas, ako lang ang tumatawa, habang sila nakatingin sa akin, at kapag napansin kong ako lang ang tumatawa, tumatahimik ako at sabay-sabay silang tatawa. Hindi kaya sila ang may problema?Hahahaha.=)

3. Hindi ako takot mamatay, pero isa lang hiling ko, huwag naman sana ako mamatay ng sunog! ang katawan hahaha =) Alamin kung bakit, (nasa number 4 and 5).

4. Mag-bebeinte anyos na takot sa kidlat at kulog! Siguradong sarado ang buong bahay niyan. At ako? Hayun at nagtatago sa ilalim ng unan. (Buti na lang hindi ako kasya sa ilalim ng kama, kung hindi malamang nandun ako.) Hindi mo ko mapapalabas ng bahay nun, at kung inabutan man ako ng kulog at kidlat sa daan, makikita mo ang tinatawag nilang adrenalin. Hahaha. Suguradong mabilis ang takbo ko nun! Ayokong tamaan na kidlat at magmistulang payat na liston! Hahahaha =). 

5. Takot din ako magsaksak ng plug sa outlet. Lalo na pag-nagspark! Ay naku! Ewan ko ba? Iniiyakan ko pa yan minsan pag ayaw nila ako tulungan magsaksak ng plug. Para daw ma-overcome ko! As if, ayokong mamatay ng sunog! Pakiramdam ko ikakamatay ko yung pagsaksak ng plug. Hahaha =) 

6. I hate styrofoam ever! Kahit humawak nun ayoko! Ayoko ng tunog! Nakakangilo! =)

7. Super sentimental na tao ako. Even candy wrapper tinatago ko, souvenir ba, lalo na pag mahalaga ang taong nagbigay nun sa akin. 

8. Matiyaga ko ding sinusulat yung mga text message sa akin. Pero ngayon bihira ko na yung gawin. Busy na kasi, hahaha =).

9. I love to cook! Lalo na pag new menu, yung first time ko mag-cook nun. Saya mag-experiment! hahaha =).

10. I believe in “Happily ever after!”, yung may prince charming na darating para saýo. =)

11. I love to watch romantic movies, teleserye and koreanovelas basta yung alam ko na makakarelate ako. Hahaha =)

12. I love to read inspirational books. Bihira ako magbasa ng novels. Yung tipong ma-aaply ko sa buhay ko yung binabasa ko. =)

13. Hindi ako mahilig sa anime! Ewan ko ba? Boring yun para sa akin. Kaya madalas, hindi ako makarelate sa mga usapan, regarding anime.

14. Malungkot ako everytime na umuulan. Ewan ko ba ?! Pero, madalas ko ma-express ang emotions ko sa pagsusulat kapag maulan ! Weird ! =)

15. I love kids! Super naaliw ako. Parang gusto ko sila hingiin sa nanay nila! Adik?! Hahaha =)

16. Mahilig ako magsulat ng letter para sa mga taong mahalaga sa akin. Kahit galit ako, sinusulatan ko siya at sinasabi ko kung bakit. Hahaha =)

17. Kahit saan nakakatulog ako. Go ako diyan! Kahit sa upuan, sa bus ewan ko lang kung kaya ko ng nakatayo! Hahaha =).

18. Turn off ako sa crush ko pag alam niyang, na crush ko siya! Ayoko na! Madalas kasi, kapag ganun, feel na feel niya na. Eeewww... hahaha.=) 

19. Madalas akong umiiyak sa mga episode ng MMK. Hahaha =)

20. Gustong-gusto ko magwalis ng mga malalaking dahon,yung marami. Gusto ko yung amoy nila habang winawalis ko. Hahaha =)

*wahehehe*

0 comments:

Post a Comment

Facebook Badge

Blog contents © heartstrings ♥ 2010. Blogger Theme by NymFont.